-
Deuteronomio 4:15-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 “Kaya bantayan ninyo ang inyong sarili—dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na makipag-usap sa inyo si Jehova sa Horeb mula sa apoy— 16 para hindi kayo gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa para sa inyong sarili ng inukit na imahen na may anumang anyo, gaya ng anyo ng lalaki o babae,+ 17 anyo ng anumang hayop sa lupa o anyo ng anumang ibon na lumilipad sa langit,+ 18 anyo ng anumang gumagala sa lupa o anyo ng anumang isda na nasa tubig.+
-