-
Bilang 14:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Pero sinabi ni Moises kay Jehova: “Kinuha mo ang iyong bayan mula sa mga Ehipsiyo gamit ang kapangyarihan mo. Kaya kung gagawin mo iyan, mababalitaan nila iyan+ 14 at sasabihin sa mga nakatira sa lupaing ipinangako mo. Narinig din ng mga iyon na ikaw, si Jehova, ay nasa gitna ng bayang ito+ at nagpapakita ka sa kanila nang mukhaan.+ Ikaw si Jehova, at ang iyong ulap ay nasa ibabaw nila, at pinapatnubayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap kung araw at isang haliging apoy kung gabi.+
-