Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Akin ang paghihiganti, at ako ang magpaparusa,+

      Sa panahong itinakda kung kailan madudulas ang paa nila,+

      Dahil malapit na ang araw ng kapahamakan nila,

      At mabilis na dumarating ang sasapitin nila.’

  • Josue 24:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sinabi ni Josue sa bayan: “Hindi kayo makapaglilingkod kay Jehova, dahil siya ay isang banal na Diyos;+ siya ay isang Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.*+ Hindi niya pagpapaumanhinan ang pagsuway* at ang mga kasalanan ninyo.+

  • Roma 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pero dahil matigas ang ulo mo at hindi nagsisisi ang iyong puso, ginagalit mo nang husto ang Diyos, at ibubuhos niya ang kaniyang galit sa araw ng poot at ng pagsisiwalat sa matuwid na hatol ng Diyos.+

  • 2 Pedro 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang Diyos ay hindi nagpigil sa pagpaparusa sa mga anghel na nagkasala,+ kundi inihagis niya sila sa Tartaro*+ at ikinadena sa napakadilim na lugar* para maghintay sa paghuhukom.+

  • Judas 14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Oo, ang ikapito sa talaangkanan mula kay Adan, si Enoc,+ ay nanghula rin tungkol sa kanila at sinabi niya: “Si Jehova* ay dumating na kasama ang kaniyang napakaraming* banal+ 15 para maglapat ng hatol laban sa lahat,+ at para hatulang nagkasala ang lahat ng di-makadiyos may kinalaman sa lahat ng di-makadiyos na mga bagay na ginawa nila sa di-makadiyos na paraan, at may kinalaman sa lahat ng nakapangingilabot na bagay na sinabi ng di-makadiyos na mga makasalanan laban sa kaniya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share