Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 6:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kung nagkasala siya, dapat niyang ibalik ang ninakaw niya, ang kinikil niya, ang kinuha niya nang may pandaraya, ang ipinagkatiwala sa kaniya, o ang nakita niyang nawawalang bagay, 5 o ang anumang bagay na may kinalaman doon ay nanumpa siya nang may kasinungalingan; dapat niyang ibalik ang buong halaga nito+ at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito. Ibibigay niya iyon sa may-ari sa araw na mapatunayang nagkasala siya.

  • Levitico 22:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘Kung ang isang tao ay di-sinasadyang makakain ng isang banal na bagay, babayaran niya ang halaga nito at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito at ibibigay niya sa saserdote ang banal na handog.+

  • Bilang 5:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang isang lalaki o babae ay makagawa ng alinman sa mga kasalanang karaniwan sa tao at maging di-tapat kay Jehova, mananagot ang taong iyon sa ginawa niya.+ 7 Dapat niyang* ipagtapat+ ang kasalanan niya* at ibalik ang buong halaga bilang kabayaran sa kasalanan niya at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito;+ ibibigay niya iyon sa taong ginawan niya ng mali.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share