-
Levitico 12:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Kapag tapos na ang mga araw ng paglilinis niya sa sarili dahil sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa saserdote, ng isang batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog+ at isang inakáy ng kalapati o isang batubato bilang handog para sa kasalanan.
-
-
Levitico 22:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Sabihin mo kay Aaron, sa mga anak niya, at sa lahat ng Israelita, ‘Kung ang isang Israelita o isang dayuhang naninirahan sa Israel ay mag-alay kay Jehova ng isang handog na sinusunog+ para tuparin ang panata niya o para magbigay ng kusang-loob na handog,+ 19 dapat siyang mag-alay ng isang lalaki at malusog na hayop+—baka, batang tupa, o kambing—para sang-ayunan siya. 20 Huwag kayong maghahandog ng anumang may depekto,+ dahil wala itong magagawa para tumanggap kayo ng pagsang-ayon.
-