Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Patayin mo ang lalaking tupa, kunin ang dugo nito, at iwisik sa lahat ng panig ng altar.+ 17 Pagputol-putulin mo ang lalaking tupa, hugasan ang mga bituka+ at mga binti nito, at ayusin ang mga piraso pati ang ulo nito. 18 Dapat mong sunugin ang buong lalaking tupa para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog para kay Jehova, isang nakagiginhawang amoy.+ Iyon ay handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.

  • Levitico 8:18-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kinuha niya ngayon ang lalaking tupa na handog na sinusunog, at ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng lalaking tupa.+ 19 Pagkatapos, pinatay iyon ni Moises at iwinisik ang dugo sa lahat ng panig ng altar. 20 Pinagputol-putol niya ang lalaking tupa, at sinunog ni Moises ang ulo, ang mga piraso, at ang taba* para pumailanlang ang usok. 21 Hinugasan niya ng tubig ang mga bituka at mga binti, at sinunog ni Moises ang buong lalaking tupa para pumailanlang mula sa altar ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy. Iyon ay handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

  • Levitico 9:12-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos, pinatay ni Aaron ang handog na sinusunog at ibinigay sa kaniya ng mga anak niya ang dugo, at iwinisik niya iyon sa lahat ng panig ng altar.+ 13 Ibinigay nila sa kaniya ang mga piraso ng handog na sinusunog at ang ulo, at sinunog niya ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok. 14 Bukod diyan, hinugasan niya ang mga bituka at ang mga binti at sinunog ang mga iyon sa ibabaw ng handog na sinusunog para pumailanlang mula sa altar ang usok.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share