Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Dadalhin din niya kay Jehova ang kaniyang handog para sa pagkakasala dahil sa nagawa niyang kasalanan,+ isang babaeng kordero* o isang batang babaeng kambing mula sa kawan, bilang handog para sa kasalanan. Pagkatapos, ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya.

  • Levitico 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At bilang handog para sa pagkakasala kay Jehova, magdadala siya sa saserdote ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan; ang halaga nito ay ayon sa tinatayang halaga ng handog para sa pagkakasala.+

  • Levitico 14:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Ito ang kautusan tungkol sa ketongin sa araw na ipahahayag siyang malinis, kapag dinala siya sa saserdote.+

  • Levitico 14:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kukunin ng saserdote ang isang batang lalaking tupa at iaalay iyon bilang handog para sa pagkakasala+ kasama ang isang takal na log ng langis, at igagalaw niya ang mga iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.+

  • Levitico 19:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “‘Kung makipagtalik ang isang lalaki sa isang aliping babae na naipangako na sa ibang lalaki pero hindi pa natutubos o napalalaya, dapat silang parusahan. Pero hindi sila dapat patayin, dahil hindi pa ito napalaya. 21 Dadalhin niya ang kaniyang handog para sa pagkakasala kay Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, isang lalaking tupa na handog para sa pagkakasala.+

  • Bilang 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At ibubukod niya ulit ang sarili niya para simulang muli ang mga araw ng kaniyang pagiging Nazareo para kay Jehova, at magdadala siya ng isang batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog para sa pagkakasala. Pero hindi ibibilang ang nagdaang mga araw ng kaniyang pagiging Nazareo dahil nadungisan niya ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share