Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 6:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa kasalanan:+ Sa lugar kung saan pinapatay ang handog na sinusunog,+ doon din papatayin sa harap ni Jehova ang handog para sa kasalanan. Ito ay kabanal-banalang bagay. 26 Kakainin ito ng saserdote na maghahandog nito para sa kasalanan.+ Kakainin ito sa isang banal na lugar, sa looban ng tolda ng pagpupulong.+

  • Levitico 10:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kakainin din ninyo sa isang malinis na lugar ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi,+ ikaw at ang mga anak mong lalaki at babae,+ dahil ang mga iyon ay paglalaan sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga haing pansalo-salo ng mga Israelita.

  • Bilang 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share