-
Levitico 8:25-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Pagkatapos, kinuha niya ang taba, ang matabang buntot, ang lahat ng taba na nasa mga bituka, ang lamad ng atay, ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at ang kanang binti.+ 26 Mula sa basket ng tinapay na walang pampaalsa na nasa harap ni Jehova, kumuha siya ng isang hugis-singsing na tinapay na walang pampaalsa,+ isang hugis-singsing na tinapay na may langis,+ at isang manipis na tinapay. At inilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng mga piraso ng taba at ng kanang binti. 27 Pagkatapos, inilagay niya ang lahat ng iyon sa mga palad ni Aaron at sa mga palad ng mga anak nito at iginalaw nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw* sa harap ni Jehova.
-