Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:10-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “At dadalhin mo ang toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng toro.+ 11 Patayin mo ang toro sa harap ni Jehova, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 12 Isawsaw mo ang daliri mo sa dugo ng toro at ipahid iyon sa mga sungay ng altar,+ at ibuhos mo sa paanan ng altar ang natirang dugo.+ 13 Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lamad* ng atay, at ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at sunugin mo ang mga iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok.+ 14 Pero ang karne, balat, at dumi ng toro ay susunugin mo sa labas ng kampo. Iyon ay handog para sa kasalanan.

  • Levitico 4:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “‘Kung ang inatasang* saserdote+ ay magkasala+ at naging dahilan ito ng pagkakasala ng bayan, dapat siyang maghandog kay Jehova ng isang malusog na batang toro* bilang handog para sa kasalanan.+ 4 Dadalhin niya ang toro sa pasukan ng tolda ng pagpupulong+ sa harap ni Jehova at ipapatong ang kamay niya sa ulo ng toro, at papatayin niya ang toro sa harap ni Jehova.+

  • Levitico 16:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili+ at sa kaniyang sambahayan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share