Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:38-41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 “Ito ang ihahandog mo sa ibabaw ng altar: dalawang isang-taóng-gulang na lalaking tupa araw-araw, nang walang palya.+ 39 Ihandog mo ang isang batang lalaking tupa sa umaga at ang isa pa sa takipsilim.*+ 40 Isasama sa unang batang lalaking tupa ang ikasampung bahagi ng isang takal na epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo, gayundin ang handog na inumin na sangkapat na hin ng alak. 41 Ihahandog mo ang ikalawang batang lalaking tupa sa takipsilim,* kasama ang handog na mga butil at inumin na katulad ng inihahandog sa umaga. Iaalay mo iyon bilang isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, isang nakagiginhawang amoy.

  • Bilang 28:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang isang lalaking kordero ay ihahandog mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihahandog mo sa takipsilim,*+ 5 kasama ang ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo bilang handog na mga butil.+ 6 Ito ay regular na handog na sinusunog,+ gaya ng iniutos sa Bundok Sinai, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share