2“‘At kung may sinumang maghahandog kay Jehova ng handog na mga butil,+ dapat na magandang klase ng harina ang handog niya, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ng olibano.+
11 “‘Hindi puwedeng lagyan ng pampaalsa ang inyong handog na mga butil para kay Jehova,+ dahil hindi kayo puwedeng magpausok ng anumang pinaasim na masa o ng pulot-pukyutan bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.
13 “‘Ang lahat ng iyong handog na mga butil ay titimplahan mo ng asin; at hindi mo hahayaang mawala sa iyong handog na mga butil ang asin na magpapaalaala sa iyo sa pakikipagtipan ng iyong Diyos. Dapat na may asin ang lahat ng ihahandog mo.+