Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 6:23-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ‘Ganito ninyo pagpapalain+ ang bayang Israel. Sasabihin ninyo sa kanila:

      24 “Pagpalain ka nawa ni Jehova+ at ingatan ka.

      25 Pasinagin nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha,+ at pagpakitaan ka nawa niya ng pabor.

      26 Iharap nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha at bigyan ka ng kapayapaan.”’+

      27 At gagamitin nila ang pangalan ko para pagpalain ang bayang Israel,+ nang sa gayon ay pagpalain ko ito.”+

  • Deuteronomio 10:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Nang panahong iyon, pinili* ni Jehova ang tribo ni Levi+ para magbuhat ng kaban ng tipan ni Jehova,+ maglingkod sa harap ni Jehova, at pagpalain ang mga tao sa ngalan niya,+ gaya ng ginagawa nila hanggang ngayon.

  • Deuteronomio 21:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “At pupunta ang mga saserdoteng Levita, dahil sila ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova para maglingkod sa kaniya,+ para maghayag ng mga pagpapala sa ngalan ni Jehova.+ Sila ang magsasabi kung paano reresolbahin ang anumang kaso ng karahasan.+

  • 1 Cronica 23:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron+ at Moises.+ Pero si Aaron at ang mga anak niya ay permanenteng ibinukod+ para pabanalin ang Kabanal-banalan, maghandog sa harap ni Jehova, maglingkod sa kaniya, at laging pagpalain ang mga tao sa pangalan niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share