Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 33:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ituturo nila kay Jacob ang iyong mga hudisyal na pasiya+

      At kay Israel ang iyong Kautusan.+

      Maghahandog sila ng insenso, isang nakagiginhawang amoy sa iyo,*+

      At ng isang buong handog sa altar mo.+

  • 2 Cronica 17:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 May mga kasama silang Levita: sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonias, Tobias, at Tob-adonias, at kasama nila ang mga saserdoteng sina Elisama at Jehoram.+ 9 Dala ang aklat ng Kautusan ni Jehova, nagturo sila sa Juda.+ Nilibot nila ang lahat ng lunsod ng Juda at tinuruan ang mga tao.

  • Nehemias 8:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ang mga Levitang sina Jesua, Bani, Serebias,+ Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maaseias, Kelita, Azarias, Jozabad,+ Hanan, at Pelaias ay nagpaliwanag ng Kautusan sa bayan+ habang nakatayo ang bayan. 8 At patuloy nilang binasa nang malakas ang aklat, ang Kautusan ng tunay na Diyos. Ipinaliwanag nila ang kahulugan nito sa simple at malinaw na paraan, kaya natulungan nila ang mga tao na maintindihan ang binabasa.+

  • Malakias 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil ang mga labi ng saserdote ay dapat magturo* ng kaalaman, at sa kaniya dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa kautusan,*+ dahil siya ang mensahero ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share