-
Deuteronomio 14:12-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Pero ito ang mga hindi ninyo puwedeng kainin: agila, lawing-dagat, itim na buwitre,+ 13 pulang lawin, itim na lawin, lahat ng uri ng lawing mandaragit, 14 lahat ng uri ng uwak, 15 avestruz,* kuwago, gaviota,* lahat ng uri ng halkon,* 16 maliit na kuwago, kuwagong may mahabang tainga, sisne,* 17 pelikano, buwitre, kormoran, 18 siguana,* lahat ng uri ng tagak,* abubilya, at paniki. 19 Marumi rin para sa inyo ang lahat ng may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon.* Hindi dapat kainin ang mga iyon.
-