-
Levitico 14:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Pero kukunin niya ang buháy na ibon pati na ang kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo, at isasawsaw ang mga iyon sa sariwang tubig na may halong dugo ng pinatay na ibon. 7 Pagkatapos, pitong ulit niya itong patutuluin sa taong naglilinis ng sarili niya mula sa ketong at ipahahayag niya siyang malinis, at pakakawalan niya sa parang ang buháy na ibon.+
-