-
Exodo 30:34-36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Kumuha ka ng magkakaparehong dami ng mga pabangong ito:+ mga patak ng estacte, onica, mabangong galbano, at purong olibano. 35 Iyon ay gawin mong insenso;+ dapat na mahusay ang pagkakatimpla ng mga sangkap*—inasnan,+ puro, at banal. 36 Didikdikin mo ang ilang bahagi nito hanggang sa maging pinong pulbos, at maglalagay ka nito sa harap ng Patotoo sa tolda ng pagpupulong, kung saan ako magpapakita sa iyo. Iyon ay dapat na maging napakabanal para sa inyo.
-
-
Apocalipsis 8:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Isa pang anghel, na may hawak na gintong lalagyan* ng insenso, ang dumating at tumayo sa may altar,+ at binigyan siya ng maraming insenso+ para ihandog iyon kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong altar+ na nasa harap ng trono. 4 At ang usok ng insenso mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang kasama ng mga panalangin+ ng mga banal sa harap ng Diyos. 5 Pero agad na kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso, at pinuno niya iyon ng baga* mula sa altar at inihagis iyon sa lupa. At nagkaroon ng mga kulog at mga tinig at mga kidlat+ at isang lindol.
-