Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 35:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Habang naninirahan si Israel sa lupaing iyon, sinipingan ni Ruben si Bilha na pangalawahing asawa ng ama niya, at nalaman ni Israel ang tungkol dito.+

      Si Jacob ay nagkaroon ng 12 anak na lalaki.

  • Genesis 49:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pero hindi na ngayon, dahil naging mapusok kang gaya ng nagngangalit na tubig, dahil sumampa ka sa higaan ng iyong ama.+ Dinumhan* mo noon ang higaan ko. Talagang sumampa siya roon!

  • Levitico 20:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang isang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama ay naglagay sa ama niya sa kahihiyan.*+ Silang dalawa ay dapat patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*

  • Deuteronomio 27:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “‘Sumpain ang sumisiping sa asawa ng ama niya, dahil nilalapastangan niya ang* kaniyang ama.’+ (At sasabihin ng buong bayan, ‘Amen!’)

  • 2 Samuel 16:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sinabi ni Ahitopel kay Absalom: “Sipingan mo ang mga pangalawahing asawa ng iyong ama,+ ang mga iniwan niya para mag-asikaso sa bahay.*+ At malalaman ng buong Israel na ginawa mong kasuklam-suklam ang sarili mo sa iyong ama, at lalakas ang loob ng mga sumusuporta sa iyo.”

  • 1 Corinto 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang totoo, nabalitaan ko na may isang lalaki sa inyo na kinakasama* ang asawa ng kaniyang ama.+ Ang ganitong seksuwal na imoralidad*+ ay mas masahol pa sa ginagawa ng ibang mga bansa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share