Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Huwag kang mangangalunya.+

  • Levitico 20:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘Ito naman ang dapat gawin sa lalaking nangalunya sa asawa ng ibang lalaki: Ang lalaking nangalunya sa asawa ng kapuwa niya ay dapat patayin, ang lalaki at babaeng nangalunya.+

  • Deuteronomio 22:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babaeng may asawa, magkasama silang papatayin, ang lalaking sumiping sa babae at ang babae.+ Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa Israel.

  • Kawikaan 6:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ganiyan din ang sinumang nakikipagtalik sa asawa ng kapuwa niya;

      Tiyak na mapaparusahan ang sinumang sumisiping dito.*+

  • Mateo 5:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 “Alam ninyo na sinabi noon: ‘Huwag kang mangangalunya.’+ 28 Pero sinasabi ko sa inyo na ang sinumang patuloy na tumitingin sa isang babae+ nang may pagnanasa ay nagkakasala na ng pangangalunya sa puso niya.+

  • 1 Corinto 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,*+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,*+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait,* at mangingikil ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+

  • Hebreo 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Maging marangal nawa para sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang madungisan ang higaang pangmag-asawa,+ dahil hahatulan ng Diyos ang mga nagkakasala ng seksuwal na imoralidad* at ang mga nangangalunya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share