Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 19:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Paulit-ulit nilang tinatawag si Lot at sinasabi: “Nasaan ang mga lalaki na pumunta sa bahay mo ngayong gabi? Ilabas mo sila sa amin para masipingan namin sila.”+

  • Levitico 20:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang lalaki kung paanong sumisiping ang isa sa isang babae, silang dalawa ay nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay.+ Dapat silang patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*

  • Hukom 19:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Habang masaya silang magkakasama, pinalibutan ng walang-kuwentang mga lalaki ng lunsod ang bahay; kinakalampag ng mga ito ang pinto at paulit-ulit na sinasabi sa matandang lalaki na may-ari ng bahay: “Ilabas mo ang lalaki na pumasok sa bahay mo, at makikipagtalik kami sa kaniya.”+

  • Roma 1:26, 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Kaya pinabayaan na sila ng Diyos na magpadala sa kanilang kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa,+ dahil ang mga babae sa kanila ay gumawi nang salungat sa likas na pagkakadisenyo sa kanila;+ 27 at ayaw na ng mga lalaki na makipagtalik* sa mga babae, kundi naging napakatindi ng pagnanasa nila sa kapuwa lalaki+ at gumagawa sila ng kalaswaan, kaya pinagbabayaran nila ang kasalanan nila.*+

  • 1 Corinto 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,*+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,*+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait,* at mangingikil ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+

  • Judas 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ganoon din ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila na nagpakasasa sa seksuwal na imoralidad* at sumunod sa di-likas na pagnanasa ng laman;+ nagsisilbi silang babalang halimbawa sa atin sa dinanas nilang parusang hatol na walang-hanggang apoy.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share