Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dapat kang maging patas sa usapin ng isang mahirap.+

  • Deuteronomio 1:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 “Inutusan ko noon ang mga hukom ninyo, ‘Kapag dinirinig ninyo ang kaso ng mga kapatid ninyo, maging makatarungan kayo sa paghatol,+ sa pagitan man ito ng dalawang Israelita o sa pagitan ng isang Israelita at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.+ 17 Maging patas kayo sa paghatol.+ Pareho ninyong pakinggan ang karaniwang tao at ang maimpluwensiya.+ Huwag kayong matakot sa tao,+ dahil humahatol kayo para sa Diyos;+ at kung napakahirap ng kaso, iharap ninyo iyon sa akin, at pakikinggan ko iyon.’+

  • Deuteronomio 16:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag ninyong babaluktutin ang hustisya,+ at huwag kayong magtatangi+ o tatanggap ng suhol, dahil binubulag ng suhol ang mata ng marurunong+ at pinipilipit ang salita ng matuwid.

  • 2 Cronica 19:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi niya sa mga hukom: “Mag-ingat kayo sa ginagawa ninyo, dahil hindi kayo humahatol para sa tao kundi para kay Jehova, at siya ay sumasainyo kapag humahatol kayo.+

  • Roma 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil hindi nagtatangi ang Diyos.+

  • Santiago 2:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Pero kung patuloy kayong nagpapakita ng paboritismo,+ nagkakasala kayo, at ang kautusan ang humahatol* sa inyo bilang mga manlalabag-batas.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share