Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya nagpasiya akong iligtas kayo mula sa pagpapahirap+ ng mga Ehipsiyo at dalhin sa lupain ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita,+ Perizita, Hivita, at Jebusita,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.”’+

  • Exodo 6:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako ko* kina Abraham, Isaac, at Jacob; at ibibigay ko iyon sa inyo bilang pag-aari.+ Ako si Jehova.’”+

  • Deuteronomio 8:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8 isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9 isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok.

  • Ezekiel 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang araw na iyon, sumumpa akong ilalabas ko sila sa Ehipto at dadalhin sa lupaing pinili* ko para sa kanila, na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Ito ang pinakamaganda sa* lahat ng lupain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share