-
Hebreo 9:24-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Dahil si Kristo ay pumasok, hindi sa isang banal na lugar na gawa ng mga kamay,+ na isang kopya ng tunay na banal na lugar,+ kundi sa langit mismo,+ kaya nasa harap siya ngayon ng Diyos para sa atin.+ 25 Hindi ito para ihandog ang sarili niya nang madalas, gaya ng pagpasok ng mataas na saserdote sa banal na lugar taon-taon+ na may dugong hindi sa kaniya. 26 Kung hindi gayon, kailangan niyang magdusa nang madalas mula nang itatag ang sanlibutan. Pero ngayon ay naihayag na niya ang sarili niya nang minsanan sa katapusan ng mga sistemang ito* para alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili niya.+
-
-
1 Juan 2:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Mahal kong mga anak, sumulat ako sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para hindi kayo magkasala. Pero kung magkasala ang sinuman, may katulong* tayo na kasama ng Ama, ang matuwid na si Jesu-Kristo.+ 2 At siya ay pampalubag-loob na handog*+ para sa mga kasalanan natin,+ pero hindi lang para sa atin kundi para din sa buong sangkatauhan.*+
-