Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 4:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Isasawsaw ng saserdote ang daliri niya sa dugo ng handog para sa kasalanan at ipapahid iyon sa mga sungay+ ng altar ng handog na sinusunog, at ang matitirang dugo nito ay ibubuhos niya sa paanan ng altar ng handog na sinusunog.+

  • Levitico 8:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pinatay iyon ni Moises at isinawsaw ang daliri niya sa dugo+ at ipinahid iyon sa lahat ng sungay ng altar, at dinalisay niya ang altar mula sa kasalanan, pero ibinuhos niya sa paanan ng altar ang natirang dugo, para mapabanal ito at sa gayon ay makapagbayad-sala sa ibabaw nito.

  • Levitico 9:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Lumapit agad si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan niya.+ 9 Pagkatapos, dinala sa kaniya ng mga anak niya ang dugo,+ at isinawsaw ni Aaron ang daliri niya sa dugo at ipinahid iyon sa mga sungay ng altar, at ibinuhos niya ang natitirang dugo sa paanan ng altar.+

  • Hebreo 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Oo, ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis ng dugo,+ at malibang magbuhos ng dugo ay hindi mapatatawad ang mga kasalanan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share