Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+

  • Awit 41:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 41 Maligaya ang sinumang tumutulong sa dukha;*+

      Ililigtas siya ni Jehova sa araw ng kapahamakan.

  • Awit 112:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Napapabuti ang taong bukas-palad na nagpapahiram.*+

      י [Yod]

      Makatarungan siya sa lahat ng ginagawa niya.

  • Kawikaan 3:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Huwag mong ipagkait ang mabuti sa mga nangangailangan ng tulong*+

      Kung kaya mo namang* gawin ito.+

  • Kawikaan 19:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+

      At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+

  • Marcos 14:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Lagi ninyong kasama ang mahihirap,+ at puwede ninyo silang gawan ng mabuti kahit kailan ninyo gusto, pero hindi ninyo ako laging makakasama.+

  • Gawa 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Kaya nagbigay ng tulong*+ ang mga alagad, ayon sa kakayahan ng bawat isa,+ sa mga kapatid na nakatira sa Judea;

  • 1 Timoteo 6:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sabihan mo silang gumawa ng mabuti, oo, ng maraming mabubuting bagay, at maging mapagbigay at handang mamahagi.+

  • 1 Juan 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero kung ang sinuman ay may materyal na mga bagay sa sanlibutang ito at nakikita niyang nangangailangan ang kapatid niya pero hindi siya nagpapakita ng habag dito, paano niya masasabing iniibig niya ang Diyos?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share