15 “Pero kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng utos at batas niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito:+
25 Hahayaan ni Jehova na matalo kayo ng inyong mga kaaway.+ Sasalakayin ninyo sila mula sa isang direksiyon, pero magtatakbuhan kayo palayo sa kanila sa pitong* direksiyon; at matatakot ang lahat ng kaharian sa lupa dahil sa nangyari sa inyo.+
14 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova sa Israel, at ibinigay niya sila sa mga mandarambong at sinamsaman sila ng mga ito.+ Ibinigay* niya sila sa kamay ng mga kaaway sa palibot nila,+ at hindi na nila kayang labanan ang mga kaaway nila.+
10 Kaya nakipagdigma ang mga Filisteo at natalo ang Israel,+ at tumakas sila sa kani-kaniyang tolda. Napakaraming namatay; sa panig ng Israel, 30,000 sundalo ang namatay.