-
1 Hari 13:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Pagkatapos, sumigaw ito sa altar, gaya ng iniutos ni Jehova: “O altar, altar! Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Isang anak na may pangalang Josias+ ang isisilang sa sambahayan ni David! Ihahandog niya sa ibabaw mo ang mga saserdote ng matataas na lugar, ang mga gumagawa ng haing usok sa ibabaw mo, at magsusunog siya ng mga buto ng tao sa ibabaw mo.’”+
-
-
2 Hari 23:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Pagkatapos, inilabas niya mula sa mga lunsod ng Juda ang lahat ng saserdote, at ginawa niyang di-karapat-dapat sa pagsamba ang matataas na lugar kung saan gumagawa ng haing usok ang mga saserdote, mula sa Geba+ hanggang sa Beer-sheba.+ Winasak din niya ang matataas na lugar na nasa pasukan ng pintuang-daan ni Josue, ang pinuno ng lunsod, na nasa kaliwa pagpasok sa pintuang-daan ng lunsod.
-