-
Levitico 27:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “‘Kung ang ipinanata ng isang tao ay isang hayop na puwedeng ihandog kay Jehova, anumang ibigay kay Jehova ay magiging banal. 10 Hindi niya ito puwedeng palitan, mas mabuti man ang ipapalit niya o mas masama. Pero kung sakaling palitan niya ito ng ibang hayop, ang ipinanata niya at ang ipinalit niya ay parehong magiging banal.
-