-
Levitico 12:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ihahandog iyon ng saserdote sa harap ni Jehova at magbabayad-sala para sa kaniya, at magiging malinis siya mula sa pagdurugo niya. Ito ang kautusan tungkol sa babaeng nagsilang ng lalaki o babae. 8 Pero kung hindi niya kayang maghandog ng isang tupa, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog para sa kasalanan, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya, at magiging malinis siya.’”
-
-
Levitico 14:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 “Pero kung mahirap siya at walang sapat na kakayahan, kukuha siya ng isang batang lalaking tupa bilang handog para sa pagkakasala, na isang handog na iginagalaw* at magsisilbing pambayad-sala para sa sarili niya, gayundin ng ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil, isang takal na log ng langis, 22 at dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati, ayon sa kakayahan niya. Ang isa ay handog para sa kasalanan, at ang isa pa ay handog na sinusunog.+
-
-
Levitico 15:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “‘Kung huminto ang paglabas ng malapot na likido at gumaling ang lalaking may sakit, bibilang siya ng pitong araw para sa paglilinis sa kaniya, at dapat siyang maglaba ng mga damit niya at maligo sa sariwang tubig, at siya ay magiging malinis.+ 14 Sa ikawalong araw, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ at pupunta siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harap ni Jehova at ibibigay ang mga iyon sa saserdote. 15 At iaalay ng saserdote ang mga iyon, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog, at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova dahil sa karumihan niya.
-