-
Levitico 1:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Dadalhin iyon ng saserdote sa altar at gigilitan sa leeg, at susunugin niya iyon para pumailanlang mula sa altar ang usok, pero ang dugo nito ay dapat patuluing mabuti sa gilid ng altar. 16 Aalisin niya ang laman-loob* at mga balahibo nito at itatapon ang mga iyon sa tabi ng altar, sa silangang bahagi, kung saan inilalagay ang abo.*+ 17 Bibiyakin niya ito sa gitna, sa pagitan ng mga pakpak nito, pero hindi niya ito paghihiwalayin. At susunugin iyon ng saserdote sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa mga baga, para pumailanlang ang usok. Iyon ay handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.
-