Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:31-33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 “Itatakda ko ang inyong hangganan mula sa Dagat na Pula hanggang sa dagat ng mga Filisteo at mula sa ilang hanggang sa Ilog;*+ dahil ibibigay ko sa kamay ninyo ang mga naninirahan sa lupain, at palalayasin ninyo sila sa harap ninyo.+ 32 Huwag kayong makikipagtipan sa kanila o sa mga diyos nila.+ 33 Hindi sila dapat manirahan sa inyong lupain, para hindi nila kayo mahikayat na magkasala sa akin. Kung maglilingkod kayo sa mga diyos nila, tiyak na magiging bitag ito sa inyo.”+

  • Deuteronomio 7:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • Josue 23:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.

  • Hukom 2:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Huwag kayong makipagtipan sa mga nakatira sa lupaing ito,+ at ibagsak ninyo ang mga altar nila.’+ Pero hindi kayo nakinig sa akin.+ Bakit ninyo ginawa ito? 3 Kaya sinabi ko rin, ‘Hindi ko sila itataboy mula sa harap ninyo,+ at sila ay magiging patibong sa inyo,+ at ililihis kayo ng mga diyos nila.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share