19 Kaya ang teritoryo ng mga Canaanita ay mula sa Sidon hanggang sa Gerar+ na malapit sa Gaza,+ at hanggang sa Sodoma, Gomorra,+ Adma, at Zeboiim,+ na malapit sa Lasa.
38 Itinaboy niya mula sa harap ninyo ang mga bansa na mas dakila at mas malalakas kaysa sa inyo, para makapasok kayo sa lupain nila at maibigay ito sa inyo bilang mana, gaya ng nangyayari ngayon.+
4 Ang magiging teritoryo ninyo ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon at sa malaking ilog, ang Eufrates—ang buong lupain ng mga Hiteo+—at hanggang sa Malaking Dagat* sa kanluran.*+
14At ito ang kinuha ng mga Israelita bilang mana sa lupain ng Canaan, na ibinigay sa kanila ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng angkan* sa mga tribo ng Israel para manahin.+
19 Iniisip ko noon, ‘Itinulad kita sa mga anak kong lalaki at ibinigay ko sa iyo ang kanais-nais na lupain, ang pinakamagandang mana sa mga bansa!’*+ Iniisip ko ring tatawag kayo sa akin, ‘Ama ko!’ at hindi ninyo ako tatalikuran.
26 At mula sa isang tao,+ ginawa niya ang lahat ng bansa para manirahan sa ibabaw ng lupa,+ at nagtakda siya ng panahon para sa mga bagay-bagay at ng mga hangganan kung saan maninirahan ang mga tao,+