-
Deuteronomio 3:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 At sa mga Rubenita at sa mga Gadita,+ ibinigay ko ang mula sa Gilead hanggang sa Lambak* ng Arnon (ang gitna ng lambak ang hangganan), at hanggang sa Jabok, ang lambak na hangganan ng mga Ammonita, 17 at ang Araba at ang Jordan at ang baybayin nito, mula sa Kineret hanggang sa Dagat ng Araba, na Dagat Asin,* na nasa paanan ng mga dalisdis ng Pisga sa silangan.+
-
-
Josue 11:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang marinig ni Jabin na hari ng Hazor ang tungkol dito, nagpadala siya ng mensahe kay Jobab na hari ng Madon,+ sa hari ng Simron at hari ng Acsap,+ 2 sa mga hari na nasa mabundok na rehiyon sa hilaga, sa mga nasa kapatagan* sa timog ng Kineret, sa mga nasa Sepela at mga dalisdis ng Dor+ sa kanluran,
-