Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 15:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Dinala ng lahat ng Israelita ang kaban ng tipan ni Jehova habang nagsisigawan sila sa tuwa,+ humihihip ng tambuli at mga trumpeta,+ nagpapatunog ng mga simbalo, at malakas na tumutugtog ng mga instrumentong de-kuwerdas at mga alpa.+

  • 2 Cronica 5:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 ang lahat ng mang-aawit na Levita+ na pinangungunahan ni Asap,+ ni Heman,+ ni Jedutun,+ at ng kanilang mga anak at kapatid ay nadaramtan ng magandang klase ng tela at may hawak na mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa; nakatayo sila sa silangan ng altar, at may kasama silang 120 saserdote na humihihip ng mga trumpeta.+

  • 2 Cronica 7:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nakatayo ang mga saserdote sa mga puwestong itinakda sa kanila, pati ang mga Levita na may mga panugtog para sa pag-awit kay Jehova.+ (Ginawa ni Haring David ang mga panugtog na ito para sa pagpapasalamat kay Jehova—“dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan”—kapag si David ay pumupuri kasama sila.*) At ang mga trumpeta ay hinihipan nang malakas ng mga saserdote+ sa harap nila, habang nakatayo ang lahat ng Israelita.

  • Ezra 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang matapos ng mga tagapagtayo ang pundasyon ng templo ni Jehova,+ ang mga saserdote na nakasuot ng opisyal na damit at may mga trumpeta,+ pati ang mga Levita, na mga anak ni Asap, na may mga simbalo,* ay tumayo para purihin si Jehova ayon sa utos ni Haring David ng Israel.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share