1 Ito ang sinabi ni Moises sa buong Israel sa rehiyon ng Jordan sa ilang, sa mga tigang na kapatagan sa tapat ng Sup at malapit sa Paran, Topel, Laban, Hazerot, at Dizahab. 2 (Ang layo ng Horeb sa Kades-barnea+ ay 11-araw na paglalakbay kung dadaan sa daang papunta sa Bundok Seir.)