Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 17:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kaya sinabi ni Moises kay Josue:+ “Pumili ka ng mga lalaki at makipaglaban kayo sa mga Amalekita. Tatayo ako bukas sa tuktok ng burol habang hawak ang tungkod ng tunay na Diyos.”

  • Exodo 24:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya kumilos si Moises at ang lingkod niyang si Josue,+ at umakyat si Moises sa bundok ng tunay na Diyos.+

  • Exodo 33:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Kinakausap ni Jehova si Moises nang mukhaan,+ kung paanong nakikipag-usap ang isang tao sa isa pang tao. Kapag bumabalik siya sa kampo, hindi umaalis sa tolda ang katulong at lingkod niyang si Josue,+ na anak ni Nun.

  • Bilang 27:18-20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Tawagin mo si Josue na anak ni Nun, isang lalaking may kakayahan,* at ipatong mo sa kaniya ang kamay mo.+ 19 At patayuin mo siya sa harap ni Eleazar na saserdote at ng buong bayan, at atasan mo siya sa harap nila.+ 20 Ibahagi mo sa kaniya ang awtoridad* mo+ para pakinggan siya ng buong bayan ng Israel.+

  • Deuteronomio 31:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang Diyos ninyong si Jehova ang mangunguna sa pagtawid ninyo, at siya mismo ang lilipol sa mga bansang ito sa harap ninyo, at itataboy ninyo sila.+ Si Josue ang aakay sa inyo sa pagtawid,+ gaya ng sinabi ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share