-
Bilang 14:33, 34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 At ang mga anak ninyo ay magiging mga pastol sa ilang nang 40 taon,+ at sila ang mananagot dahil sa inyong pagiging di-tapat,* hanggang sa mamatay sa ilang ang kahuli-hulihan sa inyo.+ 34 Ayon sa bilang ng araw na nag-espiya kayo sa lupain, 40 araw,+ isang araw para sa isang taon, isang araw para sa isang taon, 40 taon+ kayong mananagot sa mga kasalanan ninyo para malaman ninyo kung ano ang resulta ng paglaban sa akin.*
-