-
Bilang 32:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 ‘Hindi makikita ng mga lalaking lumabas sa Ehipto na 20 taóng gulang pataas ang lupaing+ ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob,+ dahil hindi sila sumunod sa akin nang buong puso— 12 maliban kay Caleb+ na anak ni Jepune na Kenizita at kay Josue+ na anak ni Nun, dahil buong puso silang sumunod kay Jehova.’+
-
-
Deuteronomio 1:34-38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 “Sa buong panahong iyon, narinig ni Jehova ang mga sinabi ninyo, kaya nagalit siya at sumumpa,+ 35 ‘Walang isa man sa masamang henerasyong ito ang makakakita sa magandang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ama,+ 36 maliban kay Caleb na anak ni Jepune. Makikita niya iyon, at ibibigay ko sa kaniya at sa mga anak niya ang lupaing nilakaran niya, dahil buong puso* siyang sumunod kay Jehova.+ 37 (Nagalit din sa akin si Jehova dahil sa inyo, at sinabi niya, “Hindi ka rin papasok doon.+ 38 Ang lingkod mong* si Josue na anak ni Nun+ ang papasok sa lupain.+ Palakasin mo siya,*+ dahil siya ang mangunguna sa Israel sa pagkuha ng lupain.”)
-