12At nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa asawa niyang Cusita, dahil kumuha siya ng isang Cusita bilang asawa.+2 Sinasabi nila: “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Jehova? Hindi ba nagsasalita rin siya sa pamamagitan natin?”+ At naririnig sila ni Jehova.+
2 Lahat ng Israelita ay nagsimulang magbulong-bulungan laban kina Moises at Aaron,+ at nagsalita laban sa kanila ang buong bayan: “Namatay na lang sana tayo sa Ehipto, o namatay na lang sana tayo sa ilang na ito!