-
Levitico 10:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Nang maglaon, kinuha ng mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu+ ang kani-kaniyang lalagyan ng baga* at nilagyan iyon ng baga* at insenso.+ Pagkatapos, nag-alay sila sa harap ni Jehova ng ipinagbabawal na handog,*+ isang handog na hindi niya iniutos sa kanila. 2 Dahil dito, nagpadala si Jehova ng apoy at natupok sila,+ kaya namatay sila sa harap ni Jehova.+
-
-
Bilang 11:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At ang bayan ay nagsimulang magreklamo sa harap ni Jehova na para bang napakasama ng kalagayan nila. Nang marinig iyon ni Jehova, nagalit siya nang husto, at pinadalhan sila ni Jehova ng naglalagablab na apoy at tinupok ang ilan na nasa dulo ng kampo.
-