Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ang karne ng lalaking tupa at ang tinapay na nasa basket ay kakainin ni Aaron at ng mga anak niya+ sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.

  • Levitico 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘At ito ang kautusan tungkol sa handog na mga butil:+ Kayong mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa altar, sa harap ni Jehova.

  • Levitico 6:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kakainin ni Aaron at ng mga anak niya ang matitira dito.+ Gagawin itong tinapay na walang pampaalsa at kakainin sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa looban* ng tolda ng pagpupulong.+

  • Levitico 10:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa natitira pang mga anak nito na sina Eleazar at Itamar: “Kunin ninyo ang natirang handog na mga butil mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy at gawing tinapay na walang pampaalsa. At kainin ninyo iyon malapit sa altar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay.+ 13 Dapat ninyong kainin iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ang paglalaan para sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, dahil ito ang iniutos sa akin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share