Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+

  • Bilang 15:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag nakarating na kayo sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo 19 at kumain kayo ng anumang tinapay* mula sa lupain,+ dapat kayong mag-abuloy kay Jehova.

  • Bilang 18:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Para sa iyo rin ang mga ito: ang mga kaloob na iniaabuloy nila,+ pati ang lahat ng handog na iginagalaw*+ mula sa mga Israelita. Ibinibigay ko ang mga iyon sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at babae bilang permanenteng paglalaan sa inyo.+ Lahat ng taong malinis sa iyong sambahayan ay makakakain nito.+

  • Bilang 18:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Sabihin mo sa mga Levita, ‘Tatanggapin ninyo mula sa mga Israelita ang ikasampung bahagi na ibinibigay ko sa inyo bilang mana,+ at mula sa ikasampung bahaging iyon, dapat ninyong iabuloy kay Jehova ang ikasampung bahagi nito.+

  • Bilang 31:28, 29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Mula sa mga sundalong nakipagdigma, kumuha ka ng buwis para kay Jehova—isa sa bawat 500 tao, baka, asno, at tupa. 29 Kunin ninyo iyon mula sa bahaging napunta sa kanila at ibigay kay Eleazar na saserdote bilang abuloy kay Jehova.+

  • 2 Cronica 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Bukod diyan, inutusan niya ang mga nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga saserdote at mga Levita ang takdang bahagi nila,+ para masunod nilang mabuti* ang kautusan ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share