21Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron, ‘Walang sinuman ang magpaparungis ng sarili niya dahil sa isang namatay na tao* sa kaniyang bayan.+
2 “Utusan mo ang mga Israelita na palabasin sa kampo ang lahat ng ketongin+ at lahat ng may sakit dahil may lumalabas sa ari nila+ at lahat ng marumi dahil sa isang namatay na tao.*+
9 Pero kung may biglang mamatay sa tabi niya+ kaya nadungisan niya ang buhok na sumasagisag sa pagiging nakabukod niya para sa Diyos,* dapat niyang ahitan ang ulo niya+ sa araw na ipahahayag siyang malinis. Aahitan niya ito sa ikapitong araw.
6 At may mga lalaking hindi nakapaghanda ng hain para sa Paskuwa nang araw na iyon dahil nakahipo sila ng isang bangkay at naging marumi sila.+ Kaya humarap sila kina Moises at Aaron nang araw na iyon,+
19 Dapat kayong manatili sa labas ng kampo nang pitong araw. Ang lahat ng nakapatay at lahat ng humipo ng bangkay+ ay dapat magpabanal ng sarili+ sa ikatlo at ikapitong araw, kayo at ang mga bihag ninyo.