13 Kung may sinumang humipo ng namatay na tao at hindi niya pinabanal ang sarili niya, dinumhan niya ang tabernakulo ni Jehova+ at dapat siyang alisin sa Israel.+ Dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig na panlinis,+ siya ay nananatiling marumi. Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniya pa rin.