-
Hebreo 9:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Ang toldang ito ay isang ilustrasyon para sa kasalukuyan,+ at kaayon ng kaayusang ito, parehong inihahandog ang mga kaloob at mga hain.+ Pero hindi kaya ng mga ito na gawing lubos na malinis ang konsensiya* ng taong gumagawa ng sagradong paglilingkod.+ 10 Ang mga ito ay may kaugnayan lang sa mga pagkain at mga inumin at sa iba’t ibang seremonyal na paghuhugas.*+ Ang mga ito ay mga kahilingan ng batas may kinalaman sa katawan+ at ipinatupad hanggang sa dumating ang takdang panahon para ituwid ang mga bagay-bagay.
-
-
Hebreo 9:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Dahil kung ang dugo ng mga kambing at mga toro+ at ang abo ng dumalagang baka* na iwinisik sa mga nadungisan ay nakapagpapabanal para sa ikalilinis ng laman,+ 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo,+ na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay* na mga gawa+ para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?+
-