-
Bilang 22:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nagsugo siya ng mga mensahero kay Balaam na anak ni Beor sa Petor,+ na nasa tabi ng Ilog* sa lupain nito. Ipinatawag niya ito at ipinasabi: “Tingnan mo! Isang bayan ang lumabas sa Ehipto. Tinakpan nila ang ibabaw ng lupa,+ at naninirahan sila sa mismong harap ko. 6 Kaya pakisuyo, pumunta ka rito at sumpain ang bayang ito para sa akin+ dahil mas malakas sila kaysa sa akin. Baka sakaling matalo ko sila at mapalayas sa lupain, dahil alam na alam ko na ang sinumang pagpalain mo ay talagang pinagpapala at ang sinumang sumpain mo ay talagang tumatanggap ng sumpa.”
-