12 “Sa tuwing magsasagawa ka ng sensus at bibilangin mo ang mga lalaking Israelita,+ ang bawat isa ay dapat magbigay kay Jehova ng pantubos para sa buhay niya sa panahon ng sensus. Kailangan ito para walang salot na dumating sa kanila kapag nairehistro sila.
26 Ang bawat tao, ang bawat lalaking nairehistro mula 20 taóng gulang pataas, ay nagdala ng kalahating siklo ayon sa siklo ng banal na lugar;*+ silang lahat ay 603,550.+
2 “Magsagawa kayo ng sensus+ sa buong bayan ng Israel; bilangin ninyo ang bawat isa ayon sa pamilya at angkan* niya, at ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki.