Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 16:39, 40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Kaya kinuha ni Eleazar na saserdote ang tansong mga lalagyan ng baga* na iniharap ng mga taong nasunog at pinitpit ang mga iyon para ibalot sa altar, 40 gaya ng sinabi sa kaniya ni Jehova sa pamamagitan ni Moises. Isa itong paalaala sa mga Israelita na ang sinumang* hindi supling ni Aaron ay hindi puwedeng lumapit para magpausok ng insenso sa harap ni Jehova+ at na hindi dapat tularan si Kora at ang mga tagasuporta nito.+

  • 1 Samuel 6:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pero pinatay ng Diyos ang mga lalaki ng Bet-semes, dahil tiningnan nila ang Kaban ni Jehova. Pumatay siya ng 50,070* sa bayan, at nagdalamhati ang bayan dahil napakaraming pinatay ni Jehova+ sa kanila.

  • 2 Cronica 26:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Pero nang makapangyarihan na siya, naging mapagmataas siya at ito ang nagpahamak sa kaniya. Hindi siya naging tapat sa Diyos niyang si Jehova nang pumasok siya sa templo ni Jehova para magsunog ng insenso sa altar ng insenso.+

  • 2 Cronica 26:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Hinarap nila si Haring Uzias at sinabi sa kaniya: “Uzias, hindi ikaw ang dapat magsunog ng insenso para kay Jehova!+ Mga saserdote lang ang dapat magsunog ng insenso, dahil sila ang mga inapo ni Aaron,+ ang mga pinabanal. Lumabas ka sa santuwaryo dahil hindi ka naging tapat, at hindi ka tatanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos na Jehova sa ginawa mo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share