Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 1:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang inyong mga asawa, mga anak, at mga alagang hayop ay titira sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa panig* na ito ng Jordan;+ pero lahat kayong malalakas na mandirigma+ ay tatawid na nakahanay gaya ng isang hukbo sa unahan ng inyong mga kapatid.+ Tutulungan ninyo sila 15 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ibinigay niya sa inyo, at makuha rin nila ang lupaing ibibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos. Pagkatapos, bumalik kayo sa lupaing ibinigay sa inyo para tirhan at ariin ninyo iyon, ang lupain sa silangan ng Jordan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova.’”+

  • Josue 22:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon ay binigyan ni Jehova na inyong Diyos ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+ Kaya ngayon ay makababalik na kayo sa inyong mga tolda sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova sa kabilang ibayo* ng Jordan.+

  • Josue 22:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 at sinabi sa kanila: “Bumalik kayo sa mga tolda ninyo dala ang maraming kayamanan at napakaraming alagang hayop, pilak at ginto, tanso at bakal, at napakaraming damit.+ Kunin ninyo ang parte ninyo sa mga nakuha sa inyong mga kaaway,+ at hatian ninyo ang mga kapatid ninyo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share