-
1 Hari 10:4-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Nang makita ng reyna ng Sheba ang lahat ng karunungan ni Solomon,+ ang bahay na itinayo niya,+ 5 ang pagkain sa mesa niya,+ ang pagkakaayos ng upuan ng mga opisyal niya, ang pagsisilbi ng kaniyang mga lingkod sa mesa niya at ang suot nila, ang mga tagapagsilbi niya ng inumin, at ang kaniyang mga haing sinusunog na regular niyang inihahandog sa bahay ni Jehova, manghang-mangha siya.* 6 Kaya sinabi niya sa hari: “Totoo ang nabalitaan ko sa aking lupain tungkol sa mga nagawa* mo at sa karunungan mo. 7 Pero hindi ako naniniwala noon sa mga balita hanggang sa dumating ako rito at makita ko mismo. Wala pa sa kalahati ang naibalita sa akin. Higit pa ang karunungan at kasaganaan mo kaysa sa narinig ko.
-
-
Daniel 1:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Nang kausapin sila ng hari, walang iba sa grupo ang tulad nina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias;+ at patuloy silang naglingkod sa hari. 20 Sa lahat ng tanong ng hari sa kanila na kailangang gamitan ng karunungan at unawa, mas magaling sila nang 10 beses kaysa sa lahat ng mahikong saserdote at salamangkero+ sa kaharian niya.
-